Pagbibigay ng regalo tuwing Pasko, hindi obligasyon ng ninong at ninang – Archbishop Tagle

Excerpt
Muling ipinaliwanag ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa publiko nitong Sabado kung ano ang totoong tungkulin ng mga ninong at ninang sa kanilang mga inaanak.
Sa kaniyang homily, inihayag ni Tagle na dapat katuwang ng mga magulang ang mga ninong at ninang sa pagpapalaki ng mga bata bilang mabuting Kristiyano at mamayang Pilipino.