Move over, cupcakes: Lumpiang shanghai, ginawang souvenir sa isang binyagan, patok sa mga netizens

Excerpt
Isa sa mga pinaghahandaan ng mga magulang sa binyag ng kanyang anak ay ang souvenir na ipamimigay sa mga ninong at ninang. Sa panahon ngayon, uso na ang iba’t ibang gimik sa mga souvenir na naging malaking negosyo pa ng ilan. Mayroon mga nagbibigay ng figurines, magnets, mugs, unan, at mayroon ding mga nagbibigay ng cupcakes.
Ngunit mukhang mayroong bagong mauusong souvenir na kumakalat ngayon sa social media. Trending sa Facebook ang larawang ni-reupload ng netizen na si Abby Sombilon kung saan makikitang ginawang souvenir sa binyag ang lumpiang shanghai.