Klasik pineapple pie: Ang paboritong pasalubong ni Nanay noong dekada 90

Excerpt
Hanggang ngayon –kahit moderno na ang panahon– ay isa ang pasalubong sa mga inaabangan ng mga bata mula sa kanilang mga magulang.
Milk tea? Frappe? Burger? Cake? Cupcakes? Fries? Pizza? Ano pa ba ang madalas abangan ngayon ng mga bata sa tuwing aalis ng bahay ang kanilang mga magulang?
Noong 1990s, may mga pagkain din na nagbibigay ng tuwa sa mga bata sa tuwing inuuwian sila ng kanilang mga magulang. Isa sa mga madalas iuwi sa mga bata ay ang pineapple pie na ngayon ay itinuturing nang “klasik” ng mga bata noon na ngayon ay nasa kanilang 30s na.